Sigaw ng AlDub Fans Sa GMA, APT: Nasaan na ang pangako n’yong pelikula nina Alden at Maine?

KATHRYN BERNARDO, ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

BUBULAGA na ang full trailer ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richard sa “Hello, Love, Goodbye” bukas, July 1.

Ang dami nang abangers sa full trailer ng movie na inaasahang hahamig ng milyun-milyong views tulad ng lumabas na teaser nito. Puro positive feedbacks ang natanggap ng trailer na nagpakilig sa fans nina Kath at Alden.

In full swing na ang promotions ng “HLG.” After ng teaser launch, nagkaroon ng official poster at playdate reveal ang movie na ginanap sa Trinoma na dinaluhan ng dalawang bida.

Kasunod nito ang fan meet ng KathDen sa isang mall sa bandang south at nagkaroon pa ng Facebook live streaming ang mga ganap doon.

Sinundan naman ito ng pagtungtong ni Alden sa ABS-CBN kung saan sinalubong siya ni Kath at ng mga bosses ng Star Cinema. Siguradong pinag-usapan nila kung paano tatakbo ang promo para sa “HLG”.

Nagkaroon na rin ng exchange deal ang ABS-CBN at ng GMA 7 sa guesting nina Kath at Alden. Lalabas ang Pambansang Bae sa Kapamilya shows na Umagang Kay Ganda at Magandang Buhay.

Balita namang magge-guest si Kath sa Sunday PinaSaya ng GMA 7 pero wala pang kumpirmasyon tungkol dito.

After Alden, si Maine Mendoza naman ang gagawa sa sister film outfit ng Star Cinema, ang Blacksheep Productions opposite Carlo Aquino.

Ngayong hiwalay na ng proyekto at ka-loveteam sina Alden at Meng, sigaw ng AlDub Nation, “Nasaan na ang pelikula nina Alden at Maine ipinangako n’yo sa amin? Anyare? Basta ganu’n na lang?”

Read more...