Halikan nina Matteo at Sarah pinakilig ang mga Scout Rangers

MATTEO GUIDICELLI

Ngayong nakatapos at isa nang ganap na Scout Ranger si Matteo Guidicelli, kasalan na nga kaya ang susunod na “big moment” sa buhay niya?

Dream come true para sa guwapong nobyo ni Sarah Geronimo ang maging isang sundalo at sa kanyang graduation rites ay nagkamit pa siya ng mga parangal at sa batch nila (97 new scout rangers) ay siya pa itong nakakuha ng pinakamataas na grado (95.20%).

Sa masasabing malalim nilang relasyon ng Pop Royalty, mukhang ang kasalan na lang ang hinihintay ng kanilang fans lalo pa’t komportableng komprotable na si Sarah kasama ang mga magulang ni Matteo.

Marami nga ang kinilig sa paghalik ni Matteo kay Sarah na umupo sa gitna ng parents niya at nakapuwesto pa talaga sa front row kaya’t very VIP ang aura ng mga ito.

Congratulations Matteo Guidicelli at sana nga ay maging huwaran ka ng isang magiting na sundalo ng bansa. Mabuhay ka!

Read more...