NAIS bawiin ng Ombudsman ang mga kasong isinampa nito laban kay dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III kaugnay ng Mamasapano incident na nakasampa sa Sandiganbayan.
“Wherefore, premises considered, it is most respectfully prayed of this Honorable Court that the People of the Philippines be allowed to withdraw the Informations… against accused Benigno Simeon C. Aquino III and thereafter the same be considered dismissed,” saad ng dalawang pahinang Motion to Withdraw Information.
Sinabi ng Ombudsman na nakita nito sa ginawang pag-aaral na walang sapat na batayan ang pagsasampa ng kasong graft at Usurpation of Official Functions sa ilalim ng Revised Penal Code.
Pero ang pagbawi ay hindi umano dapat maging pagbabawal sa pagsasampa ng iba pang kaso.
“… without prejudice to the filing of the appropriate charges against accused after the conduct of preliminary investigation.”
Si Aquino ay kinasuhan kaugnay ng pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police sa Mamasapano.