NASAWI ang 70-anyos na babae at kanyang anak at sugatan naman ang limang iba pa sa isang sunog sa Quezon City kagabi.
Si Julieta Bulaong, isang bed ridden, ay natagpuan sa kanyang higaan at sa bandang likuran naman ang kanyang anak na si Marissa.
Posible umanong sa iniwang kandila nagsimula ang sunog alas-10 ng gabi. Tumagal ito ng 30 minuto.
Wala umanong kuryente sa bahay ng mga biktima sa Brgy. Talipapa kaya gumagamit ang mga ito ng kandila.
MOST READ
LATEST STORIES