Piñol nag-alok na magbibitiw bilang DA Secretary

NAG-ALOK si Agriculture Secretary Manny Piñol na magbibitiw sa pwesto sa harap ng ulat na hindi masaya si Pangulong Duterte sa kanyang trabaho.

Sinabi ni dating special assistant to the president at ngayon ay senator-elect Bong Go na nagsumite ng sulat si Piñol kay Duterte.

“Meron pong liham si Secretary Piñol addressed to Pangulong Duterte. I was informed also naka-CC po ako doon.

Pinabasa ko po kay Pangulong Duterte bago po siya pumunta dito,” sabi ni Go

Nauna nang napaulat na nirerepaso ni Duterte ang trabaho ng miyembro ng kanyang Gabinete.

Read more...