BINIGYANG-DIIN ng Social Security System (SSS) na tungkulin ng ahensya na ipatupad ang mga probisyon na itinakda sa ilalim ng Batas Republika 11199 o ang Social Security Act of 2018 at naninindigan nakabatay ito sa desisyon ng mga mambabatas na makapagbigay ng makabuluhang social protection sa lahat ng Pilipino dito at sa ibayong bansa.
Ang batas ay produkto ng malalim at mahabang diskusyon sa pagitan ng SSS, mga stakeholder, at mga mambabatas mula sa Kongreso.
Ayon sa pamunuan ng SSS, nagsagawa sila ng pampublikong konsultasyong bago at matapos maipasa ang Social Security Act of 2018 salungat sa mga naunang pahayag ng ibang mga sektor particular na ang komunidad ng Overseas Filipino Workers (OFW) na hindi sila kinonsulta sa pagbalangkas ng batas.
Ginanap ang ang pagdinig sa pampublikong konsultasyong para sa SS Act of 2018 noong Marso 1 at 4 sa Cebu at Manila habang nagkaroon ng hiwalay na pampublikong konsultasyong noong Abril 29 patungkol sa mandatory coverage ng OFWs sa ilalim ng SS Act of 2018.
Sinabi rin ng ahensya na dapat tignan ang SSS bilang isang paraan ng pag-iipon at hindi karagdagang gastusin. Mayroong pitong benepisyo ang SSS na maaaring makuha ng mga OFWs tulad ng pagkakasakit, panganganak, pagkabalda, pagreretiro, pagpapalibing, pagkamatay, at pagkawala ng trabaho. Batay sa datos ng SSS, umabot lamang sa 325,601 ang bilang ng mga OFW na nakapagbayad lamang ng isang buwang kontribusyon. Ito ay higit na mababa kumpara sa 2.3 milyong OFWs na naitala ng Philippine Statistics Authority sa pinakabagong istatistika ng Philippine Statistics Office mula Abril hanggang Setyembre 2018.
Pinabulaanan din ng ahensya ang mga pahayag na hindi nito ginagawa ang tungkulin na mangolekta ng kontribusyon mula sa mga miyembro sa pamamagitan ng kanilang mga employers. Ipinapakita ng talaan ng SSS na malaki ang itinaas ng koleksyon ng kontribusyon mula sa miyembro simula ng umupo sa pwesto ang kasalukuyang administrasyon – mula sa P132 bilyon noong 2015 at P144 bilyon noong 2016 na naging P159 bilyon noong 2017 at P181 bilyon noong 2018.
Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ng SSS, ang pagtaas ng koleksyon ay bunga ng agresibong pangongolekta sa pamamagitan ng implementasyon ng Run After Contributions Evaders, ang bersyon ng SSS ng Operation Tokhang at ang pag-iisyu ng Warrants of Distraints, Levy, and Garnishment sa mga delingkwenteng employers. Ipinaliwanag din ng SSS na hindi lahat ng 36 milyong rehistradong miyembro sa SSS ay tuloy-tuloy na nagbabayad ng kanilang buwanang kontribusyon.
Ang ilan sa kanila ay nagparehistro lamang upang makakuha ng SS number habang ang iba naman ay isang beses lamang na nagbayad ng kanilang kontribusyon.
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue, Diliman, Quezon City
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
MOST READ
LATEST STORIES