BALIK-ABS-CBN na si Ruffa Gutierrez. Kasalukuyan siyang nagte-taping ng teleserye kasama sina Kim Chiu, Xian Lim at Erich Gonzales mula sa Dreamscape Entertainment.
Hindi pa namin alam kung ano ang titulo ng serye at kung sino ang direktor. Nalaman namin ang balitang ito mula sa bagong manager ni Ruffa na si Erickson Raymundo, Presidente at CEO ng Cornerstone Talent Management.
Binati ng Cornerstone si Ruffa sa Instagram account nito kamakailan, “Happy birthday @iloveruffag. May beauty and happiness surround you, not only on your special day, but always. Love, your Cornerstone Family.”
Tinanong namin si Erickson kung paano napunta si Ruffa sa kanila at kung co-manage niya ang mommy ng aktres na si Annabelle Rama, “Wala naman kaming communication pa,” say sa amin tungkol sa nanay ni Ruffa.
Inamin ni Erick na nu’ng una ay alanganin siyang tanggapin si Ruffa dahil kilala na, sikat, ano pa ba ang puwede nilang gawin sa aktres.
“On our part, ano pa ba ang puwede naming ibigay kasi Ruffa Gutierrez na siya, di ba? Kaya inupuan namin, nag-usap kami at ‘yun, nagkuwento siya tungkol sa kanya, anong nangyari. Basically gusto lang naman niya makabalik at magkaroon ng regular show. Single mom siya kailangan niya ng trabaho.
“Wala namang demands si Ruffa so tinanggap namin tapos nabanggit ko sa ABS na nasa amin na si Ruffa, sakto naman na may kailangan pang role sa bagong serye ng Dreamscape,” pahayag sa amin ni Erickson.
At dahil show producer si Annabelle at laging kasama ang anak sa mga raket nito ay tinanong namin kung okay ito sa Cornerstone.
“Ok lang pag ganu’n. Siyempre you respect that naman,” saad ng bagong manager ng aktres.