Kampo ni Bistek pumalag sa nawawalang pondo ng QC; naglabas ng ebidensya
Sino kaya ang naninira kay Quezon City ex-Mayor Herbert Bautista? At sino ang nasa likod ng kumakalat na fake news laban sa kanya.
May kumakalat kasing balita na wala raw napuntahan ang pondo ng Kyusi. As in nalimas daw ito noong nakaupo pa si Mayor Bistek?
Kaya agad kaming nagtanong sa mga kinauukulan tungkol dito dahil ang pagkakaalam namin ay maraming naging proyekto ang dating alkalde – mula sa pagpapatayo ng mga paaralan, hanggang sa mga pabahay ng kanyang mga nasasakupan.
Sakto naman na nabigyan kami ng kopya ng report ng QC cash position na umaabot sa P26 billion as of June, 2019.
Ang cash position ng Quezon City government mula sa administrasyon ni Mayor Herbert as of June 15, 2019 ay umaabot sa P26,274.036.108 as cash on hand at bank investment. Ang nasabing pondo ay validated ng city government depository banks kaya naniniwala kami na hindi ito fake.
Para sa 2019 budget ng Quezon City government, “still collectible in the amount of 6,496,929,271.50” mula sa mga sumusunod na source (June 16 – Dec. 31, 2019): Real estate tax, Business tax, Community tax, Socialized housing program, Internal revenue allotment, and ither regulatory fees.
Ayon pa sa aming source, ang nasabing pondo ang puwedeng pagsimulan ng bagong administrasyon ni Mayor Joy Belmonte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.