Epal na netizen nilektyuran ni Paolo, ipinaliwanag ang LGBTQ Pride Month

IPINAMUKHA ni Paolo Ballesteros sa isang netizen ang kahalagahan ng Pride Month sa tulad niyang supporter at proud member ng LGBTQ+ community.

Nag-post kasi ang Eat Bulaga host sa kanyang Instagram account ng litrato ng bonggang bahay niya sa Antipolo, Rizal na may rainbow background.

Ito’y bilang pakikiisa na rin niya sa Pride Month celebration ngayong Hunyo. Nilagyan niya ang kanyang IG photo ng caption na, “Home of PRIDE.”

Pinusuan ng kanyang fans and followers ang post ng TV host-actor kasabay ng papuri sa ganda ng kanyang bahay.

Pero isang netizen ang nag-suggest may Paolo na hindi dapat PRIDE ang ginamit niya sa kanyang caption, mas tama raw na gamitin niya ang caption na, “Home of Humility.”

Agad-agad na nag-reply ang Kapuso comedian at ipinamukha niya sa netizen ang importance ng salitang PRIDE sa kanyang mensahe.

“PRIDE as in Happy Pride month. The month of June was chosen for LGBT Pride Month to commemorate the Stonewall riots, which occurred at the end of June 1969.

“As a result, many pride events are held during this month to recognize the impact LGBT people have had in the world.’ – Google,” dagdag pa ni Paolo.

Samantala, hindi lang mga followers ni Paolo ang humanga sa ganda at style ng kanyang bahay sa Antipolo, kundi pati na ang mga kaibigan niyang celebrities.

Read more...