Sister ni Ruru sa StarStruck 7 pang-beauty queen ang awrahan


INIHARAP  na ng GMA sa entertainment press ang Top 14 finalists ng StarStruck Season 7.
Agaw-pansin sa pitong female hopefuls si Dani Porter dahil kikay at komedyante ang dating nito. Malaki rin ang pagkakahawig niya kay Bela Padilla.

Para naman sa kapatid ni Ruru Madrid na si Rere Madrid, isang malaking challenge ang pagkakapili sa kanya dahil siguradong maikukumpara siya sa kapatid na Kapuso hunk.

Ilan pa sa female hopefuls ay sina Pamela Prinster, Angelic Guzman, Ella Cristofani, Shayne Sava at Lexi Gonzales.

Look-alike naman ni Alden Richards ang isa sa Top 7 Male Hopefuls na si Jerick Dolormante na madrama rin pala ang naging buhay noong kabataan niya.

May dating din si Jeremy Sabido na pwedeng-pwedeng maging matinee idol. Ang lima pang male hopefuls ay sina Abdul Raman, Karl Aquino, Kim de Leon, Gelo Agaban at Allen Ansay.

Read more...