ANG pagbibigay-pugay ng Maalaala Mo Kaya noong Sabado sa katapangan ng mga sundalong Pilipino ay umani ng pinakamataas nitong rating sa buong taon at nanguna rin sa trending topic sa social media.
Nagtala ang episode ng 30.8%. Nanguna rin ang official hashtag ng palabas na #MMKMedalOfValor sa Twitter matapos ibahagi ng netizens ang kanilang papuri para sa palabas.
Sa pagganap ni Joshua Garcia bilang ang sundalong si Ian Paquit na buong tapang na nagbuwis ng buhay noon sa Zamboanga siege noong 2013 para sa kapayapaan, ipinakita ang kwento ng sakripisyo,
katapangan, at pagmamahal ng mga sundalo para sa bansa, kahit pa kapalit nito ang sarili nilang buhay.Ipinakita rin sa nasabing episode ang sakit at sariling sakripisyo ng mga magulang ng mga sundalo sa madamdaming pagganap ni Janice de Belen bilang ina ni Ian na si Teba.