Bit player sa pelikula alagang-alaga sa shooting pero hindi binayaran


Da who? Ito ang pelikulang maraming “firsts.”

First time sumugal ang lady investor na ito sa larangan ng pagpoprodyus ng pelikula even if she’d rather cash in on concerts.

Unang beses din ito ng isang TV director to try doing films bagama’t kahit paano’y may mangilan-ngilan na siyang directorial works on the boob tube worthy of note.

First time ding nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho ni direk ang isa sa dalawang bida ng pelikula even if their friendship goes a long way.

Last but certainly not the least, kauna-unahang pagkakataon din ito ng isa naming kaibigan—na kaibigan din ni direk at ng isang bida—na umarte sa pelikula although he had an acting background back in college.

Our friend got his call slip to the scheduled day of shoot. Maaga pa lang ay naroon na siya sa set. In fairness, he was treated like he was a major cast member (kasi nga kaibigan niya si direk at ‘yung isang bida).

Shooting wrapped up. Maayos namang nairaos ng aming kaibigan ang ‘ika nga’y baptism of fire niya for which he got a pat on the shoulder by the impressed director.

Pero may pahabol si direk, “Kapatid,” malambing nitong simula, “for the love lang ‘to, ha?” Sa madaling salita, waley TF na okey lang naman sa aming friend. May dalawa pa ngang scheduled shooting days sa ibang araw yet he wouldn’t mind showing up on those dates.

Nagtaka naman kami sa “for the love” na linya ni direk. Ang alam namin, ang talaga namang major investor ng pelikula ay isang big-time politician. Dummy lang yata ang pinalalabas na siyang namuhunan nu’n.

Besides, malapit sa isa’t isa ang aming kaibigan at ang isang bida. Wala mang nakalaang TF sa mga bit players, for sure, the bida would willingly part with her personal money na gasino na lang ba naman.

Somewhere in QC ang location ng shoot, sa far south pa ng Metro Manila nanggaling ang aming common friend pare-pareho, kahit man lang ba panggasolina, waley?

Eh, hindi naman indie film ang nilabasan niya.

Read more...