NLEX Bocaue southbound lanes isasara bukas

PINAYUHAN ng North Luzon Expressway (NLEx) ang mga motorista na asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko simula alas-10 ng umaga bukas dahil sa isasagawang pagkukumpuni ng isang tulay sa kahabaan ng southbound lane sa Bocaue, Bulacan.

Sa isang advisory, sinabi ng NLEx Corp. isasara 24/7 ang dalawang gitnang lanes sa 300-meter approach sa Bocaue exit para sa rehabilitasyon ng isang tulay sa ilog.

Isasailalim sa deck slab replacement at girder strengthening ang 100 metrong bahagi ng tulay.

Inaasahang namang makukumpleto ito sa gitnang bahagi ng Hulyo, bagamat matatapos ito ng buo sa Setyembre.

Sinabi ni Micah Aquino, NLEX Corp. press relation officer, na magkakaroon din ng mga counterflow lanes sa north-bound lane sa mga peak hours.

Read more...