Mas makikilala pa ang husay ng mga teleseryeng gawang Pinoy abroad dahil eere sa unang pagkakataon ang Kapamilya crime drama series na The Blood Sisters starring Erich Gonzales sa Kazakhstan via Channel 31, isa sa mga nangungunang networks sa naturang bansa.
Dahil sa matagumpay na deal ng ABS-CBN at Channel 31, mas tumibay pa ang reputasyon ng Kapamilya network bilang producer ng mga magagandang teleserye na tinatangkilik ng international viewers.
Bukod sa The Blood Sisters, ilan din sa mga Kapamilya teleseryes na namamayagpag sa abroad ngayong taon ay ang Pangako Sa’Yo sa Dominican Republic, Halik sa Tanzania, at ang inaabangang local adaptation ng Hanggang Saan sa Turkey.
Noong 2018, maaalalang laging panalo sa timeslot nito ang The Blood Sisters na naging usap-usapan rin ng netizens dahil sa magandang takbo ng kwento nito na tinutukan ng sambayanang Pilipino.