Tubig sa Angat Dam bumaba, tumaas naman sa La Mesa Dam

BUMABA sa 158.77 metro ang lebel ng tubig ng Angat Dam ngayong umaga, malapit na sa pinakamababang lebel na 157.57 metro na naitala noong 2010.

Ayon sa datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration bumaba ng 0.32 metro ang tubig sa Angat dam mula sa 159.09 metro noong Lunes ng umaga.

Bahagya namang umakyat ang Lamesa dam. Mula sa 68.66 metro noong Lunes ng umaga umakyat ito sa 69.20 metro kahapon ng umaga.

Ang Angat at La Mesa dam ay dalawa sa pinakamalaking nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig lugar.

Read more...