Guro nagbigti sa classroom

NAGBIGTI ang isang elementary school teacher sa loob ng kanyang classroom sa Dimasalang, Masbate, kamakalawa.

Natagpuan ng isa sa kanyang mga pupil si Roy Basio, 39, na nakabigti ng lubid sa loob ng kanilang classroom sa N.B. Cabrera Elementary School, Brgy. Suba, pasado alas-11 ng umaga, ani Senior Insp. Ace Christiam Mendoza, tagapagsalita ng Masbate provincial police.

Sinabi sa pulisya ng pupil na nadiskubre niyang nakabitin ang guro nang sumilip siya sa bintana dahil naka-lock ang classroom.

Lumabas sa imbestigasyon na alas-10:45, ay dumalo si Basio at iba pang guro sa isang “conference” ngunit maaga siyang umalis.

Napag-alaman pa na alas-7 ng umagang iyon ay nagtungo ito sa bayan at bumili ng lubid na ginamit sa pagpapatiwakal

Read more...