Top 12 ng Idol PH mas titindi pa ang bakbakan sa live rounds

FATIMA LOUISE, ELLE OCAMPO, SHELAND FAELNAR, ZEPHANIE DIMARANAN, RACHEL MAY LIBRES AT TRISH BONILLA

MATTY JUNIOSA, LUCAS GARCIA, RENWICK BENITO, LANCE BUSA, DAN OMBAO AT MIGUEL ODRON

MAS titindi pa ang tagisan ng galing para sa pag-abot ng mga pangarap ngayong napili na ang Top 12 Idol Hopefuls para sa Search for the Idol Philippines.

Matapos ang mahigpit na showdown sa Solo Round, anim na babae at anim na lalaking hopefuls na lang ang magpapatuloy sa live rounds.

ast Sunday, pagkatapos ng annoucement kung sinu-sino sa mga male contenders ang pasok sa Top 12, humarap agad ang grand finalists entertainment media para mas makilala pa sila ng madlang pipol.

Pasok sa listahan si Dan Ombao na muling lumalaban para sa kanyang pangarap, pati na rin si Elle Ocampo, na nakilala sa naiiba niyang boses at style.

Patuloy ding patutunayan ni Fatima Louise na karapat-dapat siyang manalo sa kompetisyon gamit ang talento, samantalang dala-dala naman ni Lance Busa ang karanasan niya bilang singer abroad para makipagsabayan sa mga katapat.

Magpapatuloy din sa laban sina Lucas Garcia at Matty Juniosa na parehong iniaalay ang laban para sa kani-kanilang butihing ina. Kasama rin nila sa listahan si Miguel Odron, na nakipagsapalaran nang bumalik sa Pilipinas para sa kanyang pangarap, at ang youth ambassadress na si Rachel May Libres na bukod sa angking ganda ay may nakakabilib ding talento sa pag-awit.

Nakakuha rin ng puwesto sa Top 12 sina Renwick Benito na isa sa mga unang nagmarka sa mga manonood dahil sa kanyang kwento at boses, si Sheland Faelnar na hinahangaan dahil sa agaw-pansing boses, si Trish Bonilla na gaya ng ina ay may hindi matatawarang talento sa pagkanta, at Zephanie Dimaranan na kahit isa sa mga pinakabata ay walang takot na nakikipagsabayan sa kantahan.

Mas magiging mahirap na ang laban ng Top 12 Idol hopefuls sa live rounds dahil may kapangyarihan na ang publiko na iboto ang kanilang pambato.

Linggo-linggo, ang Idol hopeful na may pinakamababang boto ang matatanggal at hindi na magpapatuloy sa kanyang Idol journey.

Magsisimula ang face-off ng Top 12 finalists sa gaganaping live shows simula sa June 29 as they perform to the songs of National Artist for Music Ryan Cayabyab.

Sino kaya sa Top 12 ang patuloy na magpapabilib sa mga manonood? Panoorin ang pagpapatuloy ng Idol Philippines sa ABS-CBN tuwing Sabado at Linggo ng gabi at alamin kung sino sa mga hopeful ang mabibigyan ng chance na makamit ang kanilang pinapangarap na kasikatan.

In fairness, nagpakitang-gilas sa unang sultada pa lang ng laban sa Idol PH ang proud members ng LGBTQ community na sina Elle, Lucas at Matty.

Sa huling bakbakan bago mapili ang Top 12, bilib na bilib ang isa sa mga judges na si Vice Ganda sa performance ng palabang lesbian singer.

Sey ni Vice, “Alam mo, ang dami mong kayang gawin sa boses mo, ang dami mong kayang ipakita sa amin. Pero natutuwa ako kasi hindi nawawala yung brand mo, yung tunog ni Elle, yun pa din, ang galing-galing mo.”

Para naman kay James, “For me, I think you have probably the most unique style, which is one of the things at the top of my list. It’s standing out completely, not just your voice, but the way you perform. Congrats!”

Sigurado namang magkakabugan sina Lucas at Matty na aminadong idol na idol si Vice bilang Unkabogable Star. Pero ang tanong, mapabilib kaya nila ang TV host-comedian sa mga susunod nilang pasabog sa Idol stage.

Read more...