SOBRANG init kung ilarawan ng mga kalalakihan ang libido ng isang kilalang female personality. Parang bulkan daw kasi ang babaeng personalidad na laging nag-iipon ng lava at pagkatapos ay saka siya magpapasabog.
Batambata pa lang siya ay ganu’n na ang mga kuwentuhan tungkol sa kanya, hindi ‘yun kapani-paniwala sa biglang dinig, dahil parang walang muwang sa mundo ang female personality.
Kuwento ng isang source, “Mainit talaga siya, walang-wala kumpara sa kanya ang mga naghuhubad-hubad na personalities d’yan! Siya, e, balot na balot, pero naman!
“Isang young actor ang nakatayo lang sa lobby ng isang network one day. Katatapos lang kasi ng variety show kung saan sila parehong nag-perform.
“Mas performer ang girl, promo lang ng movie nila ang dahilan kung bakit naging guest sa variety show ang guy. Nagkatinginan sila sa lobby, ‘Saan ang tuloy mo?’ ang tanong ng girl sa young actor.
“Sabi naman ng guy, ‘Wala lang, no particular destination, chill-chill lang somewhere!’ Agad na sinabi ng girl, ‘Sige, I’ll join you.’
“‘Yun lang at naloka ang young actor dahil sumama sa kanya ang girl na ni ayaw nga niyang batiin kapag nagkikita sila sa studio dahil mukhang maldita siya!
“Natatakot siyang mapahiya, suplada kasi ang dating sa kanya ng girl, pero magkakaroon pala ng chance na maging magkasama sila sa isang biglaang walk!” kuwento ng aming impormante.
Natuloy ang dalawa sa isang lugar na silang dalawa lang ang nandu’n. Nag-chill-chill sila, pero tig-iilang bote lang sila, pampainit lang habang nagkukuwentuhan sila.
“Pero nauwi ang kuwentuhan nila sa isang matinding laban! Hindi akalain ng young actor na magkakaroon pala siya ng regalong hindi niya naman hinihingi, pero biglang dumating!
“Hindi siya makapaniwala na makakasabay pala niya sa pagbiyahe sa langit ng kaligayahan ang babaeng inakala pa niyang suplada, kaya hindi niya binabati kapag nagkakasalubong sila!
“At napakagaling kuno ng girl, sobrang galing! Halos makalimutan na nga raw ni bagets ang pangalan niya dahil sobrang ingay ng girl na tunay na magaling na singer dahil ginawang mikropono ang armas niya!
“Walang-wala sa girl na ito ang kadugo niyang aktres din na parang wala namang kalatuy-latoy, manang na manang ang dating, sa totoo lang!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam n’yo na kung sino ang girl na itey, kayo pa ba?