‘A Whole New World’ version ng Korean superstar aprub kay Lea

LEA SALONGA AT LEE SUNG

APRUB kay Disney Princess at Broadway star Lea Salonga ang version ng Korean superstar na si Lee Sung-kyung para sa kantang “A Whole New World.”

Si Sung-kyung ay nakilala ng madlang pipol sa hit Korean series na Weightlifting Fairy na ipinalabas sa ABS-CBN ilang taon na ang nakararaan.

At dahil nagsimula ang Korean actress bilang artista, marami ang hindi nakakaalam na marunong din siyang kumanta kaya naman marami ang nagulat nang mapanood nila ang viral video ng dalaga habang kinakanta ang theme song ng Hollywood movie na “Aladdin.”

Kabilang nga sa mga na-impress sa singing prowess ni Lee Sung-kyung ay ang Tony Award-winning actress-singer na si Lea Salonga na siyang nagbigay-boses sa singing voice ni Princess Jasmine sa animated version ng Aladdin.

“This is so adorable!!!!!!!! Isn’t she a Disney Princess?” ang caption ni Lea sa video clip na ipinost niya sa kanyang Instagram kung saan mapapanood ang Korean actress na habang kinakanta ang iconic Disney song sa loob ng kanyang sasakyan.

Ilan pa sa mga local celebrities na humanga sa ganda ng boses ni Lee Sung-kyung ay sina Jed Madela at KC Concepcion.

Bukod sa K-drama na Weightlifting Fairy Kim Bok-joo, bumida rin si Lee Sung-kyung sa mga seryeng It’s Okay, That’s Love, Cheese in The Trap at The Doctors. Inaasahan ang pagbisita niya sa bansa sa first-ever fan meeting niya sa July 27 na gaganapin sa SM Skydome bilang bahagi ng kanyang “Be Joyful Tour.”

Read more...