Manoy walang huling mensahe sa paglisan: Makakalimutan ka rin naman ng mga tao…

HANGGANG ngayon ay patuloy na nagluluksa ang sambayanan sa pagpanaw ng iconic actor na si Eddie “Manoy” Garcia.

Nalungkot ang buong entertainment industry sa hindi inaasahang pagkamatay ni Manoy. Para sa karamihan kasi ‘di lang siya mabuting aktor kundi isang extraordinary talent na regalo ng Diyos sa movie industry.

Napakahusay na aktor, award-winning director, very professional at superb sa pakikisama. Kulang na lang talaga lagyan siya ng halo sa ulo.

We may not be that close kay Manoy Eddie but we felt connected to him kasi sa huling taon ng buhay niya ay ilang beses at halos sunud-sunod namin siyang nakapanayam at nakasama sa mga piktyuran session.

First was during the press conference of 2018 Cinemalaya Independent Film Festival. May entry siya noon, ang “ML” kung saan nanalo siya ng Best Actor sa katatapos lang na Urian Awards.

Tapos na ang presscon noon at naka-one-on-one na namin ang karamihan sa mga artistang may entry sa Cinemalaya. Paglingon namin malapit sa entrance ng lobby ng Cultural of the Philippines namataan namin si Manoy na nakaupo sa dulo ng lamesang nakapwesto roon.

Unmindful of everybody pero kapag may lumalapit naman sa kanya para magpapiktyur he’s very much willing at mag-i-smile. Naisip lang namin, “Tingnan mo si Eddie Garcia. Sikat, mahusay na aktor, nirerespeto ng marami pero ‘di siya naiilang na umupo sa isang tabi, hindi uhaw sa atensyon at ‘di nagde-demand ng special treatment.”

Our next encounter with him was during the grand media launch ng 2018 Quezon City International Film Festival kung saan may entry ulit siya via Dan Villegas’ film “Hintayan ng Langit.”

Doon ay muli namin siyang nainterbyu regarding the film which tackles life after death. Tinanong namin siya kung nag-aalala ba siya na any moment ay bigla na lang niyang iwan ang pag-aartista.

“Ay, hindi. Gusto mo mamatay na ako bukas, okey na sa akin,” seryosong sabi ni Manoy. Dugtong pa niya, “Oo, okey lang. Saka ako ‘pag death bed gusto ko sunugin na agad ako. Wala ng wake. Basta kapag namatay ako tuloy agad sa prituhan para tapos na.”

Tinanong din namin siya kung paano na lang yung mga mahal niya sa buhay na gusto pa siyang makapiling nang matagal? “Ay, wala. Mababasa naman nila.”

Pinaghahandaan na ba niya ang araw na lilisanin niya ang mundo? “Hindi, when you have to go, you have to go.”

Panghuli, we asked him kung may gagawin na ba siyang mensahe para sa kanyang pamilya kapag naramdaman niya na malapit na siyang lumisan?

“Wala na. Wala ng mensahe. Ang maaalala ka lang siguro in the first month or two. Aftet that, nakalimutan ka na ng tao. E, ganoon talaga, ‘di ba?”

Muli, sa ikatlong pagkakataon, ay nakausap namin si Manoy sa magkasunod na presscon ng “Hintayan ng Langit” at “ML” for the theatrical release ng dalawang filmfest entries niya.

Sumunod na pagkikita namin ni Manoy ay nu’ng presscon naman ng “Rainbow Sunset” na isa sa official entries ng 2018 Metro Manila Film Festival.

And lastly, we had the chance to pose for a picture again with Manoy sa backstage ng Resort’s World theater along with the Movie Queen of All Times (title ko ‘yan for Miss Gloria Romero) na kaparehong awardee niya para sa Natatanging Bituin ng Siglo ng 35th PMPC Star Awards for Movies last June 2.

Little that we expected na may mangyayaring aksidente kay Manoy a few days after.

And now that he’s gone, siguradong mananatili pa rin ang mga alaalang iniwan ni Manoy ‘di lang sa mga taga-industriya kundi pati na sa puso ng mga Pinoy.

Para sa kapamilyang naiwan ni Manoy, ang aming taos-pusong pagyakap and prayers that the blessing of the God of All Comfort will be upon them.

Read more...