MULING napanganga ang mga social media followers ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa mga sexy photos na ipinost niya sa Instagram.
Ang latest pictures ni Pia ay mula sa ginawa niyany pictorial with ace photographer BJ Pascual. Dito makikita ang dalaga na nakasuot ng bikini top, black leggings with her Chanel belt.
Sa inilagay niyang caption, nag-sorry siya sa kanyang IG followers dahil almost two weeks siyang nagpahinga sa socmed matapos magkasakit.
“Hello instagram. It’s been awhile. Felt like I’ve been MIA for almost 2 weeks because of this cold! ” ang caption niya sa isang photo.
Sa second picture naman, nag-project ang beauty queen-actress ala-BlackPink kung saan binanggit pa niya ang ilang lyrics sa latest hit ng Korean Group na “Kill This Love”.
Ani Pia sa caption, “Wait. May isa pa. Rampapam papampaaam.”