Ai Ai nasasayangan sa pera kaya pati role bilang puno sinunggaban


PARA lang yata masulit ang nakasaad sa kanyang kontrata sa GMA, kahit papel bilang puno sa Kara Mia ay sinunggaban ni Ai Ai delas Alas.

Let’s face it, kahit paano’y nag-level na up si Ai Ai batay sa ilan niyang mga napanalunang Best Actress awards in international film festivals apart from the ones here.

At ayon nga sa mga sumusubaybay sa teleseryeng ito, literal na “wooden” ang acting performance ni Ai Ai.

Sana man lang, given her present stature, Ai Ai can afford to be picky with TV offers. It appears kasi na sa kawalan ng assignments ay tanggap na lang siya nang tanggap with the typical mindset na, “Sayang din ‘to. Datung din ‘to.”

Apparently, hindi pa umaabot si Ai Ai sa puntong she can snub projects coming her way kung wala naman itong relevance sa kanyang estado bilang aktres.

This is so much unlike most senior stars who came ahead of her whose major concern is a combination of a good story and a meaty role they can sink their teeth into.

Besides, bilang respeto na rin sana sa maraming achievements ni Ai Ai, offer-an ba ng role bilang puno?

Dahil ba may forest denudation problem ang bansa? At dahil nakakalbo na ang kagubatan because of trees indiscriminately being chopped down ay “tribute” ito ni Ai Ai sa Inang Kalikasan?

Hindi kami magtataka kung pagkatapos gumradweyt si Ai Ai bilang puno’y sunggaban naman niya ang papel bilang isang endangered species.

Tamaraw endemic to Mindoro? Hindi imposible.

Read more...