Wala na bang magawa sa senado si Pacman kaya magko-concert na lang?

NAKUKULANGAN pa yata ng mga makabuluhang gawain si Sen. Manny Pacquiao that he’s raring to do a major concert come Sept. 1.

Ilang beses nang naiulat na numero unong absentee ang boxer-turned-politician sa Senado, eto’t may compelling reason na naman siya para lumiban sa mga sessions in preparation for his first ever concert.

Naalala tuloy namin ang guesting ni Pacman sa Startalk many years ago, kapapanalo lang niya noon sa kanyang laban (kung sino ang kalaban, hindi na namin matandaan).

Bukod siyempre sa karaniwang feel-good interview on how proud he was for coming home victorious from the fight ay may bonus na gimik ang live guesting na ‘yon ni Pacman to spice up the segment.

Ang gimik na ‘yon ay ang pakantahin ang Pambansang Kamao. Pinili niyang awitin ang kantang “Sometimes When We Touch.”

Pacman took center stage. Pumasok ang intro ng kanta. Sa bandang refrain ay du’n na nagkaroon ng ibang direksiyon ang pasable na sanang rendition niya.

“Sometimes when we ‘tats’ (sic), the honesty’s too ‘mats’ (sic),” banat ni Pacman sa refrain.

Kahit sino naman sigurong professional singer ang tanungin, mahalaga ang tamang bigkas ng lyrics. Hindi lang basta nasa tono, o sa timbre ng boses. Diction is just as important.

But of course, Pacman is no pro. Hilig lang niyang kumanta, although this “handicap” ay puwede namang gamutin para hindi siya maging tampulan ng mga maaarte kung magsalita.

Read more...