PATULOY ang pagbaba ang lebel ng tubig ng Angat dam, ang pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig ng Metro Manila.
Ngayong umaga ang lebel ng tubig ay 159.43 metro bumaba ng 0.35 metro mula sa 159.78 metro noong Sabado ng umaga.
Ang critical level ng Angat dam ay 160 metro.
Bahagya namang tumaas ang lebel ng tubig sa La Mesa dam, isa rin sa pinagkukuhanan ng tubig sa National Capital Region.
Mula sa 68.62 metro noong Sabado kahapon ay umakyat ito sa 68.65 metro.
Nagpapatupad ng rotational water interruption ang Manila Water at Maynilad dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig.
MOST READ
LATEST STORIES