May resulta na ba ang imbestigasyon ng GMA sa nangyari kay Manoy?

EDDIE GARCIA

Puro paninisi ang inabot ng GMA 7 sa pagkamatay ng beteranong actor na si Eddie Garcia.

“The most painful death for the family is the untimely death of a loved one in the negligent hands of the people they trusted with his care. Prayers for strength to the bereaved family of Mr. Eddie Garcia.”

“It is a bit shame for the Kapuso network considering that they have this program, I M READY.”

“They forgot to have a standby medical staff or ambulance for that matter in there working location.”

“Buhay pa sana kung may medic or doctor sa set. Rest in peace, sir. Condolences to the family.”

“Masyadong kulang sa budget ang GMA kasi dapat pag action scene, may naka-standby na medic. Isipin mo neck fracture pala tapos ‘yung buhat basta-basta na lang.”

“Imbes na mabuhay pa ng matagal at pumanaw ng payapa at walang pain yung tao, namatay lang dahil sa aksidente!”

‘Yan ang aria ng mga netizens laban sa network.

Teka, ano na ang nangyari sa imbestigasyon ng network. Namatay na’t lahat si Sir Eddie, na-cremate na siya at ihahatid na sa huling hantungan bukas, pero as we write this ay wala pang inilalabas na result ng kanilang investigation ang GMA.

Marami ang nagsasabi na dapat kasuhan ang network, mga executives nito pati na ang director at lahat ng involved sa production.

Dapat nga raw may police report din ito at may investigation rin para patas ang magiging resulta. What do you think?

Read more...