SA dami ng mga isyu kontra sa pagtakbo sa pagka-speaker ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, marami tuloy ang naniniwala na hindi pa ito ang tamang panahon para iluklok siya bilang lider ng Kamara.
Una, wala raw siyang sapat na kakayahan kumpara sa ibang mga kandidato na mga senior at seasoned politicians na.
Sa “mura” umano niyang kakayahan, dapat daw ay mag-“watch, listen and learn” muna ito para sakaling maging speaker siya sa hinaharap ay hinubog na siya ng karanasan.
Hirit nga ng mga ayaw sa kanya: “He has a long way to go, but now in his younger years what he should do is earn his stripes first. The speakership is for the seasoned politicians who has the experience, the character and the intergrity.”
Ikalawa, kahit two-termer congressman na siya ng Marinduque ay kailangan pa niyang “magpakilala” sa kanyang mga kasamahan sa Kamara.
Ayon sa ilang mambabatas na iba ang sinusuportahang kandidato, nakilala lamang umano nila si Velasco nang isama siya sa mga lakad ni Pangulong Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.
Anila, mahalaga na mayroong maayos na relasyon ang speaker sa kanyang mga kapwa kongresista.
“House members are inclined to support a leader who knows well his members and their needs and sentiments. Someone that they can always confide with without political barriers or considerations,” patutsada pa ng mga ito.
Ikatlo, wala umanong kasiguraduhan kung magiging mabisa siyang tulay sa pagitan ng Kamara at Senado upang mapabilis ang pagpapatupad ng mga plano ng administrasyon.
Sabi pa ng mga kontra sa kanya, walang “link” si Velasco sa pagitan ng legislative at executive branches ng gobyerno at wala ring karanasan sa pagganap ng papel bilang representante ng House at ng gobyerno sa mga international arena.
Sa mga argumentong nabanggit, dapat na nga kayang mag-give way si Velasco kina Taguig congressman-elect Allan Peter Cayetano, Leyte congressman-elect Martin Romualdez at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez?
Velasco dapat bang mag-give way?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...