NAKABALIK na si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa Maynila ngayong hapon ilang oras matapos siyang hindi papasukin sa Hong Kong.
Dumating si del Rosario sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ganap na alas-4:59 ng hapon, matapos na anim na oras na hindi paalisin ng mga immigration sa Hong Kong International Airport (HKIA).
Dadalo sana si del Rosario sa First Pacific’s board and shareholders sa Hong Kong kung saan siya mag-isang bumiyahe.
Nangyari ang pagharang kay del Rosario sa HKIA isang buwan matapos ang kaparehong insidente na naranasan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Noong Mayo 21, pumunta si Morales sa Hong Kong para magbakasyon kasama ang pamilya. Hindi naman siya pinayagang makapasok ng immigration dail umano sa pagigging “security threat.”
Matatandaang naghain sina del Rosario at Morales ng kaso laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) noong Marso.