LALO pang bumaba ang lebel ng tubig ng Angat dam, ang pangunahing pinagkukuhanan ng tubig ng Metro Manila.
Ngayong umaga bumaba sa 160.28 metro ang lebel ng tubig bumaba ng 0.45 metro mula sa 160.73 noong Huwebes ng umaga.
Kapag sinukat bukas ng umaga (Sabado) ay inaasahan na umabot na o mas mababa pa sa critical level na 160 metro ang tubig ng dam.
Kapag bumaba sa critical level ay muling magbabawas ng isinusuplay na tubig mula sa dam kaya mas hahaba ang oras na walang tubig ang mga kustomer ng Manila Water at Maynilad.
MOST READ
LATEST STORIES