NAGLULUKSA ang buong Pilipinas, lalung-lalo na ang mundo ng showbusiness sa pagpanaw ng award-winning acor-director na si Eddie Garcia.
Kanya-kanyang post ang mga artistang nakatrabaho ng yumaong veteran actor sa kanilang social media accounts ng mensahe ng pakikiramay sa mga naiwan ni Manoy Eddie.
Ang iba’y nagbigay pa ng pa-tribute sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga litrato at video ng aktor sa social media.
Narito naman ang official statement ng Kapamilya Network hinggil sa pagpanaw ni Eddie Garcia.
“Ang ABS-CBN ay nakikiisa sa buong bayang nagluluksa sa pagpanaw ng isang alamat na si Eddie Garcia.
“Ang ating Tito Eddie, na may tunay na pangalang Eduardo Verchez Garcia, ay kilala bilang isa sa mga pinaka-premyadong aktor at direktor sa Philippine television and cinema.
“Isa naming karangalan na si Tito Eddie ay naging bahagi ng aming pamilya. Siya ay hinangaan sa kanyang katangi-tanging pagganap sa mga TV show tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” Wansapanataym,” “Nathaniel,” “Give Love on Christmas: The Gift Giver,” “Sana Bukas Pa Ang Kahapon,” “Honesto,” “Juan dela Cruz,” at “Maalaala Mo Kaya.”
“Nagmarka rin ang kanyang pagganap sa mga pelikula ng ABS-CBN katulad ng “Bwakaw,” “Ang Panday,” “Praybeyt Benjamin,” at iba pa. Si Tito Eddie lang ang tanging indibidwal na hinirang sa tatlong kategorya ng Hall of Fame sa FAMAS: Best Actor, Best Supporting Actor, at Best Director.
“Sa mahigit pitong dekada at 600 pelikula, ipinakita ni Tito Eddie ang ibayong husay at propesyonalismo sa trabaho. Sana’y mabigyan namin ng sapat na pagpupugay ang kanyang talento at pagiging mabuting tao.”
q q q
Ito naman ang mensahe ng Kapuso Network: “GMA Network deeply mourns the passing of veteran actor Eduardo “Eddie” Verchez Garcia.
“Manoy,” as he is fondly called, will be greatly missed by his family, loved ones, co-workers, and fans.
“An accomplished and respected actor and director, he was a movie icon and an industry pillar who has touched so many lives in the Philippine entertainment industry. He left behind a legacy of professionalism, dedication, and love for his craft.
“The Kapuso Network joins his family and the whole entertainment industry in mourning his passing.”