UMUUSOK ang ilong sa galit habang ikinukwento ng aking Cricket ang raket ng isang sikat na religious leader sa bansa.
Ilang taon rin daw kasi siyang naging blind follower ng pastor na
inakala nilang magdadala sa kanila sa kaluwalhatian ng Diyos.
Kabilang sa mga raket ni Pastor ay ang paghingi ng malaking pera sa kanyang mga miyembro dahil investment daw ito para sa buhay na walang hanggan.
Kapag ang isang tao raw ay walang pera ay mas magiging malapit ito sa Diyos kumpara sa mga taong namumuhay sa luho ng katawan.
Para sa mga miyembro na walang kakayahang magbigay ng malaking halaga ng salapi ay pinagtatrabaho niya ito sa ilan sa kanyang mga pipitsu-ging negosyo.
Kabilang dito ang paglalako ng dried mango, banana chips at iba pa dahil bahagi raw ito ng sakripisyo para Diyos.
Pati umano ang venue sa kanilang mga prayer rallies ay mga miyembro rin ang nagbabayad habang kilala naman si Pastor sa maluhong pamumuhay.
Bilang patunay ay mayroon rin itong eroplano at chopper ayon pa sa aking Cricket.
At dahil naniniwala si Pastor sa “ikapu” o tithing, 10 porsyento lang ng nalikom na pondo ang kanyang ibinibigay sa simbahan at ang karamihan ay naidadagdag sa kanyang kayamanan dito sa balat ng lupa.
Idinagdag pa ng aking Cricket na malakas daw sa Diyos si Pastor dahil anumang oras na gusto niyang makausap ang Diyos ay nagagawa niya dahil siya raw ang lubos na pinagpala.
Hindi na siguro kailangan ng madaling clue dahil nag-iisa lang naman ang nilalang na ito na naniniwala na siya lang ang anak ng Diyos.