Sa isang panayam ibinahagi naman nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang mga realizations nila after doing the movie na tatalakay sa buhay ng mga OFW sa HK.
“Yung role ni Kathryn is a different OFW, ako I’m a different OFW. So may hierarchy pa pala yun. May difference pa pala yun, ‘yung benefits coming from my job and yung nakukuha niya from her job,” pahayag ng Kapuso Drama Prince.
Sabi naman ni Kath, malalim ang ginawang research na creative team ng “HLG”, “Nag-interview sila ng mga OFW talaga para makuha yung mga experiences nila.”
Pareho rin silang sumailalim sa matinding immersion para mabigyan ng tamang atake ang kanilang mga role.
“Nakatulong na isang buwan kami du’n, so na-observe at napag-aralan talaga namin kung paano ang takbo ng mga buhay ng mga OFW natin doon. Lahat ng mga ginagawa nila, kung paano yung routine nila,” dagdag ni Kath.