LUMIPAD patungong Thailand si Cathy Garcia-Molina para sa post production ng pelikula niyang “Hello Love Goodbye” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Matapos mag-shooting sa Hong Kong, inilabas agad ang teaser ng movie na sinundan ng pag-reveal ng official poster at playdate nito. Mapapanood na ang unang pagtatambal sa pelikula nina Kathryn at Alden sa July 31.
Bukod sa experience na makatrabaho ang Kapuso artist at Pambansang Bae na si Alden, nakatapos din si direk Cathy ng isang pelikula na mahigit isang buwan bago ang playdate.
“First time sa buong buhay ko ang paggawa ng pelikula na natapos ko more than a month before the showing, almost two months before the showing. It will give way to proper post production time,” pahayag ni direk Cathy.
Para rin sa kaalaman ng lahat, nakatrabaho ng box-office director sa “HLG” ang Thai sound recordist at boom operator na tumulong sa production crew ng pelikula. Kaya naman ngayong nasa Thailand na siya sa post production ng movie, pag-aaralan niya ang bagong techniques para ma-enrich ang Philippine film industry.
“So we are here to learn and hopefully to improve and share it to the rest of the Philippine movie making. Sana maka-level tayo doon,” pahayag ni direk Cathy.
Tuwang-tuwa rin siya sa magagandang feedbacks nang ilabas na ang teaser ng KathDen film. Pero rason niya, conceptualization pa lang ng project eh, isinaalang-alang na nila ang respeto sa fandoms ng dalawang bida.
“Alam naman natin ang lakas ng KathNiel, ang lakas ng AlDub, iba pa ‘yung sari-sarili nila, so makakaroon ng mixed reactions,” sey pa ng direktora.
Bilang pagbibigay-importansiya sa fandoms ng dalawang bida, nakipagkita ang ilang staff ng Star Cinema sa grupo ng fans nina Kath at Alden upang hingin ang tulong at suporta ng nga ito para sa “Hello Love Goodbye.”