Vice sa ABS-CBN franchise: Hindi natin alam kung mare-renew, so tatakbo akong presidente, charot!

VICE GANDA

Ginawang biro ni Vice Ganda ang issue sa franchise renewal ng ABS-CBN sa isang episode ng Showtime.

Napag-usapan kasi sa segment na “KapareWho” ang tungkol sa pagtakbo ni Vice sa eleksyon.

Bumilib kasi sina Jhong Hilario at Anne Curtis nang magsalita ang TV host-comedian tungkol sa anti-fencing law dahil kabisadung-kabisado ito ni Vice.

Hirit ni Vhong, bakit daw hindi tumakbo si Vice last elections. Sagot ng komedyante, “Ay, naku, may balak ako, antayin niyo ako, President agad. Sabi ni Digong (President Rodrigo Duterte) sa akin,

‘Pagkatapos ko, ikaw magiging Presidente. Ako bahala.'”

Tanong naman ni Ryan, “Presidente ng Pilipinas?” Sagot ni Vice, “Oo, Presidente agad. Siyempre ‘no, di nga tayo alam kung mari-renew, so magpi-presidente agad. Charot lang!” sabay tawa nang malakas.

Read more...