Dating Hashtag member umalis na sa Star Magic, magiging Kapuso na

JON LUCAS

Curious kami kung anu-anong projects ang nakatakdang gawin ng dating Hashtag member na si Jon Lucas sa GMA 7. Nakita ang aktor na nagpa-pictorial sa Siyete kamakailan.

Post ng Solid Kapuso Updates: “SCOOP: Former Kapamilya actor and former Hashtag member Jon Lucas spotted on the shoot of the latest folio for GMA Artist Center – One proof of his move to the Kapuso realm of artists.”

Si Tita Becky Aguila na ang bagong manager ni Jon base na rin sa post nitong, “Welcome to the #famBAAM @lucas_aljhon !! Also a happy father’s day to you! We take pride knowing that a very talented young dad like you is finally part of our roster of artists. We are excited with this new journey with you! Thanks for the trust!”

Makakasama na ni Jon ang roster of artists ni tita Becky na sina Jennylyn Mercado, Empress, Andrea Brillantes at iba pa. Habang tinitipa namin ang balitang ito ay tinext namin si tita Becky kung siya ang nag-offer kay Jon o nilapitan siya ng aktor. Matagal bago kami nasagot ng talent manager, “Regs, nasa meeting ako.”

Bago tuluyang iniwan ni Jon ang ABS-CBN Star Magic kung saan siya namalagi sa loob nang anim na taon ay pinasalamatan nito ang lahat ng taong naging bahagi ng karera niya.

Nabanggit din ng aktor na marami siyang pagkukulang kaya humingi siya ng paumanhin sa mga bossing ng Star Magic.

“Maraming salamat sa mga oportunidad na binigay niyo sakin. Oportunidad na totoong nagpabago sa aking buhay bilang isang tao. Mga Oportunidad din na sinayang ko ng maraming pagkakataon.

“Alam ko kung gaano niyo ko pinahalagahan noong una akong tumapak sainyong tahanan, ramdam ko yon at ng aking buong pamilya. Ngunit alam ko rin na ako’y lubos na nagkulang sainyo, lalo na sa mga taong malalapit sakin, na noong una ay labis labis ang pagtulong sakin para maabot ko ang aking mga pangarap. Lubos po akong nagpapasalamat sainyo! Salamat sa sakripisyo at pang-unawa na hindi matatawaran.

“SALAMAT SA LAHAT NG MGA BOSS! MARAMING SALAMAT SA STARMAGIC FAMILY KO!! MARAMING SALAMAT SA IT’S SHOWTIME FAMILY KO na mga naging Kapamilya kong tunay sa mga nagdaang taon.”

Maging ang mga production staff, marshalls at supporters ay pinasalamatan ni Jon.

“Salamat din sa mga Marshalls, Art Dept, CamDept, Utilities, Security Guards, at sa mga Masisipag na tagapaglinis ng TAHANAN ng ABS-CBN! Kahit hindi tayo magkakakilala basta magkasalubungan tanguan agad na parang may secrets tayo sa isat isa. Mamimiss ko kayo kabatian pag magkakasalubong tayo!

“SALAMAT SA MGA FANS! Na naging tunay na kaibigan at kapamilya! Kung may pinakamahusay magtiyaga para sa taong mahal nila, ay KAYO YON! Hindi matatawaran ang hirap at pagod niyo para lamang samin. Hindi namin kailanman masusuklian yung efforts niyo! Ang kaya lang namin gawin ay mahalin din kayo tulad ng pagmamahal niyo samin!” pahayag pa ng aktor.

Habang tinitipa namin ang artikulong ito, may nakapagsabi sa amin na ang unang proyektong gagawin ni Jon sa GMA ay ang remake ng Korean series na Descendants of The Sun na pagbibidahan ni Dingdong Dantes. Hindi pa sigurado kung ang isa pang alaga ni Tita Becky na si Jennylyn ang nakakatambal ni Dingdong sa nasabing serye.

Read more...