ISANG low pressure area na maaaring maging isang bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa weekend.
Ngayong araw ang LPA ay nasa layong 1,385 kilometro sa silangan ng Mindanao. Maaaring sa Sabado ito pumasok ng PAR.
Kapag naging isang tropical depression sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na tatawagin itong bagyong Dodong.
Dahil sa El Nino nauna ng sinabi ng PAGASA na maaaring maging malakas ang mga bagyong daraan sa bansa.
Patuloy naman ang pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam dahil sa kakulangan ng ulat dulot din ng El Nino.
Kaninang umaga ng lebel ng Angat dam ay 160.73 metro, bumaba mula sa 161.30 metro noong Miyerkules ng umaga. Ang critical level ng dam ay 160 metro.
Nagbawas na ng tubig na inilalabas ang Angat dam para sa mga residente ng Metro Manila kaya nararanasan ang rotational water service interruption.