Horoscope, June 21, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Wag malungkot sa mga nagdaang kabiguan. Iwasan ang maluhong pamumuhay. Liligaya ka at uunlad kung mamuhay ng simple lang pero rock. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Masasarap na karanasan ang itinakdang ilalaan sa iyo ng langit. Gawin m na ngayon ang mga bagay na matagal mo nang plinaplanong gawin, at tiyak na ito ay matutupad. Sa pag-ibig, habang pumapasok ang tag-ulan, dagdag init at sarap ang matitikman. Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Om.” Purple at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Gagantimplaan ang iyong mabuting kalooban. Kusang madadagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, sa panahong ito ng tag-ulan lalong iinit ang romansahan. Mapalad ang 9, 18, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Name-Om.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Yayaman ka kung bago matulog hanggang sa makatulugan bigkasin ang ganitong mantra: “Yayaman ako….Ako’y yayaman!” Sa pag-ibig, ituro sa kasuyo ang orasyon upang yumaman din siya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yama-Yasoda-Om.” Gray at gold ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Masosolusyunan ang problema kung lalapit sa kaibigang Capricorn. Sa pinansiyal, isang Capricorn din ang mauutangan. Ngunit sa pag-big, ang isang Scorpio ang sa iyo ay magpapakilig. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Hindi dapat pang himasukan ang buhay ng iba. Sa pag-ibig, hayaan mo lang kung ano ang nagaganap wag kumontra sa kapalaran, sa bandang huli ang lahat ay aayon din sa iyong kagustuhan. Mapalad ang 1, 8, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Maiwasan ang karamdaman kung kakain ng maraming prutas at sariwang gulay habang ipagpatuloy ang nasimulan pagbi-bisikleta ng regular. Sa pag-ibig ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang mahilig na Libra. Mapalad ang 4, 19, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Unti-unti ng pumapasok ang tag-ulan, kasabay nito patuloy na iinit ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Sa pinansyal, habang maikli ang kumot matutong mamaluktot, na ibig sabihin ay matuto kang magtipid. Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Purple at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Huwag maging mapaglaro upang hindi ka rin laruin ng kapalaran. Sa pinansyal, ang pagtitipid at pagsisinop ay nagbubunga ng pagyaman. Sa pag-ibig may ligayang naghihintay kung magsusuot ng kulay red. Mapalad ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha-Om.” Bukod sa red ang blue ay buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag masyadong mabahala sa future. Sabi nga: “Si God ang bahala dyan.” Sa pag-ibig, yakapin ng mahigpit ang kasuyo at mga mahal sa buhay, isiping ito na ang huling araw. Mapalad ang 6, 12, 21, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Pink at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Alalahanin mong nauubos din ang suwerte kaya dapat pa ring isa isip ang pag-iipon. Sa pag-ibig, wag tipirin ang minamahal, ang page-express ng lambing at mainit na pag-ibig ay wala namang bayad. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Kastha-Om.” Red at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwaglit na ang nakaraan sa bagong career at sa bagong ka-relasyon may ligayang naghihintay. Sa pinansyal kapag nagtuloy-tuloy na ang pag-ulan, unti-unti na ring madaragdagan ang kinikita. Mapalad ang 4, 15, 24, 34, 43, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pag-ibig ang pabago-bagong pag-iisip ang magbibigay sa iyo ng problema. Magdesisyon agad at wag ng babaguhin pa. Sa pinansyal marahas at mabilis na pagpapasya ang dapat upang yumaman. Mapalad ang 8, 17, 23, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Dosya-Om.” Blue at silver ang buenas.

Read more...