TIME is ticking for ABS-CBN.
At press time, nakatengga pa sa House of Representatives (Congress) ang batas which grants the country’s largest network renewal of its franchise na mag-e-expire in March, 2020.
On the hands of the lawmakers in the Lower House hinge the fate of the Lopez-owned company, na kapag nadesisyunan ay tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lang has the power to either make a go for it or veto it.
Habang ang ilang networks ay naisyuhan na ng franchise renewal, tanging ang Dos lang is left in the proverbial wilderness.
Ito’y bunsod ng pagkadismaya ng Presidente sa non-airing ng kanyang paid political ads during the 2016 presidential elections, gayong mahihimasmasan siya kung susuportahan ng istasyon ang isinusulong na pederalismo ng gobyerno.
Sa nakaraang mid-term elections, kitang-kita naman kung gaanong support ang ipinamalas ng ABS-CBN sa mga kumandidato identified with the administration.
Guesting-wise, those candidates ay talagang hinanapan ng makatuturang exposure even if programs had to compromise quality, even integrity ng kanilang content.
Is ABS-CBN edgy? Kung kami ang magsasalita para sa kanila, it sure is.
Sino ba naman ang hindi mababahala sa pagpapasara sa kanila even if reeled from the same fate noong rehimen ni Ferdinand Marcos?
Sino namang empleyado, kawani o talent na direkta o ‘di man direktang nakikinabang sa istasyon won’t feel the jitters sa napipintong pagkawala ng pinagkukunan nila ng ikinabubuhay, their families included?
But knowing ABS-CBN’s strength, marami na silang inihahandang contingency should it face eventual closure. Dinig namin, it’s chanelling its energies on online services.
That’s one, and there may be more. Which means hindi nila hahayaan to be caught with their pants down.
O, baka naman the climate might just turn from bad to good. March 2020 is about eight months away or less than three seasons within which ay maaari pang mag-iba ang direksiyon ng hangin.
Of course, the Pinoys know Digong, don’t they? Hindi nga ba’t siya rin naman ang bumabawi sa mga sinasabi niya only to dismiss them as jokes later?
At ewan kung maaatim ni Digong na siya mismo ang pangunahing dahilan ng pagpapasara ng istasyon, gayong he professes to be pro-labor (ayaw nga niya sa contractualization, ‘di ba?).
At ano na lang ang puwedeng ibutas laban sa kanya? Pagdating sa mga Intsik na manggagawa ay dalawang kamay niyang tinatanggap ang mga ito para dito magtrabaho, pero tablado ang mga mismong kababayan niya?
Saan na nga naman ang kanyang pusong maka-manggagawa, right?
At ano pa ba naman ang kailangang gawin ng ABS-CBN to soften his heart? Granting na napakalaki nga ng atraso ng istasyon sa kanya, hindi ba un-Godly sa tulad niya ang kawalan ng pagpapatawad sa kanyang puso?
Yes, pasensiya na if we need to invoke the name of God dahil sa bibig na niya nanggaling na iba ang kanyang Diyos, not the One which the Catholic Church looks upon with fear and reverence.