Julie Anne level-up ang kaseksihan; Christian ‘maghuhubad’ 

DARAYO naman sa Cagayan de Oro City sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose sa July 6 para sa secod leg ng kanilang “The Sweetheart and the Balladeer Fun Night Only” handog ng Kapuso Concerts.

Makakasama nilang muli ang comic tandem nina Donita Nose at Super Tekla at magiging bahagi rin ng concert si Kyline Alcantara.

“Mas pinapaganda talaga namin bawat leg. Isa ito sa complete concert that everyone will enjoy,” saad ni Christian sa mediacon ng concert.

“It’s gonna be so much fun, sina Donita at Tekla, nakakatawa talaga. Marami kaming bagong gagawin sa show,” say naman ni Julie Anne.

“Sa opening, I took my shirt off. I think dito, bala pati sando siguro (tatanggalin ko), so yun siguro ang isa sa magiging bago for our second leg,” dagdag ni Christian.

Asahan naman daw ang sexier, mas daring at palaban na Julie Anne on stage lalo na pagdating sa mga pasabog na sing and dance production number.

Sayang naman kasi ang kaseksihan ngayon ng Kapuso star kung hindi magagamit sa kanyang career, di ba?
Magaganap ang concert sa The Atrium ng Limketkai Center, Lapasan, CDO.

 

Read more...