Duterte tutulak pa-Thailand sa Biyernes para sa ASEAN Summit

TUTULAK sa Biyernes si Pangulong Duterte papuntang Bangkok, Thailand para dumalo sa 34th Association of Southeast Asian Nations  (ASEAN) Summit mula Hunyo 22 hanggang Hunyo 23.

Sa isang briefing, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Junever Mahilum-West na dadalo ang 10 miyembro ng ASEAN Summit.

“The Summit will be attended by the heads of government and states of all ASEAN Member States, all 10 of them. And we will give you later a listing of the heads of state. But the chair of this year’s summit is Thailand, headed by Thai Prime Minister Prayuth Chan-ocha,” sabi ni Mahilum-West.

Idinagdag ni Mahilum-West na ito na ang ikatlong pagbisita ni Duterte sa Thailand mula nang maging pangulo ng bansa.

Inaasahang namang magkakaroon ng bilateral meeting si Duterte sa ilang mga pinuno ng bansa.

Unang bumisita si Duterte sa Thailand noong Nobyembre 2016 at sinundan noong Marso 2017.

Nakatakda namang bumalik si Duterte sa bansa sa Hunyo 24, 2019.

Read more...