SSS death benefits ng ama

MAGANDANG araw po sa inyo. Nais ko po sanang humingi ng tulong tungkol sa SSS ng aking ama, na namatay noon pang Jan. 22, 2008.
Patay na rin po ang
aking ina, at nais ko pong malaman kung may benefits pa o kung anuman (burial) ang pwedeng i-claim. Hindi ko po alam ang SSS# niya, pero narito po ang ilang impormasyon tungkol sa kanya.
Name: Gregorio
Hernandez Divino
Birthdate: Dec. 4, 1922
Alam ko po ay nakapagtrabaho sya sa Seven-Up Bottling Co. Davao City, siguro taong 1950’s- 60’s, hindi ko po alam ang eksaktong petsa. Kung sakaling meron po, ano po ang mga papeles na dapat kong ihanda para sa pagclaim.
Maraming salamat po at nawa’y pagpalain tayo ng Poong Maykapal.
Gumagalang,
George R. Divino
157 M.H. Del Pilar St. Pinagbuhatan, Pasig City

REPLY: Ito po ay bilang tugon sa katanungan ni Mr. George R. Divino ukol sa death benefits na maaari nilang matanggap dahil sa pagkamatay ng kanilang ama.
Pinapayuhan namin kayong mag file ng funeral at death claim sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS. Mas maganda po sana kung makukuha ninyo ang SSS number na ginamit ng dating employer ng inyong ama para sa kanya sa pagpa-file ng inyong claim.
Pero kung sadyang hindi ninyo makuha ang kanyang SSS number, i-file ang claim at sabihin na lang sa SSS office na wala kayong record ng kanyang SSS number.
Sa pag-file ninyo ng claim, saka malalaman kung sino ang nararapat na makatanggap ng benepisyo mula sa SSS.
Ang funeral benefit ay ibinabayad sa sinuman ang nagbayad ng pagpapalibing ng member. Kailangan dito ang original ng official receipt galing sa funeral parlor at death certificate ng member.
Ang death benefit naman ay ibinibigay sa primary beneficiaries o ang ligal na asawa at mga menor de edad na anak ng member. Kung walang primary beneficiaries, ang maaaring makakuha ay ang secondary beneficiaries o ang mga magulang ng member. Kung wala ring secondary beneficiaries, ang designated o kung sinuman ang idineclare ng member na beneficiary niya ang maaaring makatanggap ng benefit.
Kung ang member ay mayroong hindi bababa sa 36 monthly contributions, ang kanyang primary beneficiary ay makakatanggap ng panghabambuhay na pension. Kung ang makakatanggap ng benefit ay secondary beneficiaries o designated beneficiaries, ang benefit na matatanggap ay lump sum lamang.
Ang application form para sa funeral at death claim ay maaaring ma-download mula sa www.sss.gov.ph. Nakalista na rin kasama ng forms ang mga kakailanganin ninyong documents para rito.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni Mr. Divino. Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO SOCIAL SECURITY OFFICER IV
SSS MEDIA AFFAIRS
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jbilog@bandera.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...