Aga proud sa kambal na anak: Wala kaming naging problema sa kanila

FEELING lucky ang award-winning actor na si Aga Muhlach sa kanyang mga anak dahil never siyang nagkaproblema sa pagpapalaki sa mga ito.

Super thankful si Aga dahil lumaking mababait at responsable ang mga anak nila ni Charlene Gonzales na sina Atasha at Andres, bukod pa sa pagiging masunuring mga bata.

Sa nakaraang presscon ng bagong endorsement ni Aga, ang Daikin Airconditioning Philippines, very proud na ipinagmalaki ni Aga kung gaano kabubuti ang kambal at kung paano nila ginagampanan ang kanilang responsibilidad bilang mga anak.

Kuwento nga ng aktor, wala siyang maalalang insidente na napagalitan nila ni Charlene sina Atasha at Andres, at mas marami siyang pwedeng ikuwento tungkol sa napakaraming achievements ng kanilang twins.

“Feeling ko, we brought them well. Wala talaga kaming naging problema sa kanila mula noong bata pa sila hanggang ngayon. Kaya naman, proud ako that I’m their father,” ang pahayag ni Aga nang humarap sa entertainment media kasama ang mga may-ari at opisyal ng Daiken PH.

Proud din si Aga sa panganay niyang anak kay Janice de Belen na si Iggy Boy dahil maayos na rin ang buhay nito.

May sarili na rin itong pamilya at apat na anak. Nagpasalamat din siya kay Janice dahil napalaki nitong mabuting tao si Iggy Boy.

Aminado naman si Aga na naging pasaway din siya noong kabataan niya, “Well, I remember na naging pasaway ako sa Papa ko (ang yumaong movie producer na si Cheng Muhlach).

“Lalo’t noong pre-teen year ko at sa Mandaluyong kami nakatira. Nakalaro ko mga kalyehero sa aming lugar.

“E, bawal sa Papa ko ang makipaglaro sa kanila, dahil kalye nga ang type nilang paglaruan. E, ang dami nga namang mga sasakyan ang dumaraan.

“Kaya, kung ilang ulit akong napalo dahil doon. At dahil din siguro sa mga palong iyon, kaya, in time, tumino ako,” pagbabalik-tanaw ni Aga.

Samantala, very proud din si Aga sa bago niyang endorsement, ang Daikin airconditioning. Siya ang first ambassador ng nasabing brand sa Pilipinas na 10 years na ring umaariba sa bansa.

Nagsimula ang Daikin sa Japan at 95 years na itong namamayagpag doon. Ayon sa mga executive ng Daikin, perfect si Aga bilang endorser ng kanilang produkto at talagang matagal nang user ng Daikin ang award-winning actor.

“Aga embodies the brand values of versatility, superior performance and high efficiency, the same qualities consumers are guaranteed to experience in every Daikin air conditioning products,” sabi ng Presidente ng kumpanya ng si Lee Wai Kok.

Present din sa mediacon sina Division Manager for Sales Operations Jed Caburian, Senior Manager for Global Operations Kojo Domoto, Vice President Ikuo Kani, Assistant Division Manager for Market Development Carina Lau at Division Manager for HR/ General Affairs Gerry Cortez.

Read more...