GENEVA , Switzerland — Mainit na pinag-uusapan dito ngayon sa International Labour Organization between governments, employers and labor groups ang violence and harrassment in the workplace matapos makitang madalas ito mangyari sa mga opisina at pagawaan sa buong mundo.
At alam n’yo bang wala pa lang polisiya para rito? Kung kaya’t gagawa ang ILO ng polisiya upang gawing basehan sa iba’t ibang bansa na gumawa ng sariling batas hinggil dito.
Dito sa Pilipinas, at kayo mismong mga empleyado at mga mangagawa ang magpapatunay na nag-eexist ang ganitong uri ng problema sa mga tanggapan at pagawaan.
Na-stress ang mga employers dahil baka mahirapan sila lalo
sa pag-operate ng negosyo at mabawasan ang kanilang profit.
Base dito sa definition, may harassment sa iyo sa pamamagitan ng pag-abuso through physical harm, through words and or even through ways employees are treated.
Napag-alaman din natin sa discussion dito na ang violence in the workplace come in different forms. Kahit pala utos ng boss, memorandum o kaya mean tasks from supervisor or manager may constitute violence or harrassment.
Kapag lumabas na ang ILO Convention na ito maglalabas na rin ng batas ang Pilipinas about this.
Kapag nagkataon, sure na maraming complaint na matatanggap ang gobyerno, di ba? Tingnan natin kung hanggang saan makararating ang proposal na ito.