ILANG netizens ang kumuwestiyon sa pagiging Christian ni 2018 Miss Universe Catriona Gray dahil sa pagsuporta niya sa LGBTQ community.
Ayon sa ilang bashers at moralista, kung totoong Kristiyano raw ang beauty queen dapat ay hindi niya kinukunsinti ang pamumuhay ng mga bading at tomboy.
Nitong nakaraang weekend kasi ay nag-promote si Catriona sa kanyang Instagram account para sa isang Facebook live session tungkol sa LGBTQ bilang bahagi pa rin ng Pride month celebration.
“Happy PRIDE! Tune into @sanmiglightph facebook page to catch my #MahabahabangUsapan FB Live on all things LGBTQIA+ & Pride! I learnt soooooo much and hope in watching you will all too,” caption ni Catriona sa kanyang IG post.
Maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang pasasalamat at papuri kay Catriona sa patuloy na pagsuporta at pakikipaglaban niya para sa mga karapatan ng LGBTQ community.
Pero may mga ilan ding kumuwestiyon sa advocacy niya dahil kontra raw ito kanyang faith bilang Christian.
“What happened @catriona_gray about your testimony about your Christianity? Please do not compromise,” comment ng isang follower ng beauty queen.
Sabi naman ng isa pa, “Catriona alam mong masama at kasalanan ang pagiging bading at tomboy at kung anu-ano pang tawag sa kanila, bakit sila ang ipinaglalaban mo?”
Ito naman ang tugon ni Catriona sa kanila, “My belief as a Christian does not limit me from fighting for the rights of others. I love my God and love my fellow brothers and sisters.
“Religion is never an excuse to hate, put down or act indifferent to the suffering of others. I believe God is love, and I will treat everyone—no matter who they are, to the best of my ability, with love,” aniya pa.
Sandamakmak naman ang kumampi kay Catriona sa nasabing issue, pinatunayan lang daw niya na may puso siya para sa lahat. Naniniwala sila na tama ang ipinaglalaban ng dalaga at huwag na lang daw magpaapekto sa mga taong mapanghusga sa kapwa.
“Yan ang reyna! Kahit anong issue kayang sagutin with poise. We salute you Cat! Sana lahat ng tao katulad mo, beauty brains and heart!” sabi ng isang netizen.
“THIS. IS. WHY. SHE. IS. A. QUEEN. AND I STAN HER FOR LIFE!!!” komento ng isang guy.
“She is definitely an icon who is never afraid to address and tell her opinions on social issues,” sabi naman ng isa pa niyang fan.
Bago pa man maging Miss Universe si Catriona, matagal na niyang tinutulungan ang Love Yourself Inc., isang community volunteers na nagsasagawa ng HIV counseling, testing, treatment, life-coaching, at marami pang iba na may konek sa LGBTQ.