ANG ganda ng response ni Neri Naig sa isang customer na puro reklamo sa kanyang Tagaytay resto.
Very humble ang kanyang paliwanag sa kanyang Instagram account.
“Normal tambayan lang talaga ang @nerisnotsosecretgarden. Di siya fine dining, para lang talagang tambayan sa backyard.
“Nakakamay lang kapag kumakain, walang arte arte. Tawanan. Tamang food trip. Tamang kantahan. Tamang tambayan.
“Wala talaga akong kaalam alam sa pagpapatakbo ng isang kainan. Kagaya din naman ng mga naging negosyo ko, wala akong alam sa una kung paano magpatakbo ng isang negosyo. Napag aaralan ko. Pinag aaralan ko. At willing pang mag aral. Hindi ko mapi-please ang mga tao, meron at merong masasabi ang iba sa akin. Pero hindi eto ang basehan para mapanghinaan ng loob, umayaw, o madepress.
“Alam kong marami pa akong kailangang matutunan dahil hindi ko inaral kung paano magpatakbo ng totoong cafe o restaurant. Puro bagets din ang mga na-hire ko nun at dahil kailangan nila ng pandagdag tuition. Naging maluwag din ako sa mga staff ko nun na naging kampante sila.
“Iba na ngayon. Dahan dahang naaayos na ang sistema. Inilagay ko ang mga nanay na galing sa Neri’s Gourmet Tuyo production. Iba ang disiplina nila. Iba ang work ethics nila.
“There’s always room for improvement. Ang failures, mistakes, mga hindi inaasahang bagay o tao man o pangyayare, ay parte ng success ng isang tao. Kaya sa lahat ng napanghihinaan ng loob at mag gigive up na… wag!
“Parte yan ng success story mo. Kapit ka lang. Matututo ka pa at mas lalong tatatag. Mas lalo kang magiging successful. Good luck at isang mahigpit na yakap sa lahat!”
Kung lahat ng resto owner ay katulad ni Neri, madali ang pag-unlad ng negosyo.