KathDen movie amoy blockbuster na; teaser pa lang winner agad


SANGKATUTAK  na positibong mensahe ang tinanggap namin nang ipalabas ang teaser ng pinagtatambalang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ramdam na ramdam namin ang kilig sa kanilang mga text messages, inaabangan na nila ang “Hello, Love, Goodbye” na kinunan pa sa Hong Kong, may bago na namang record na matatanggap sa takilya si Kathryn Bernardo.

Sabi ng kaibigan naming si Liza, “Ipangungutang ko ang movie na ‘yan! Sa first day pa lang, nasa sinehan na ako! Grabe, nakakakilig sina Alden at Kathryn, magagaling silang umarte!” sabi ng kaibigan namin.

May sariling opinyon din ang kaibigan naming propesor na dati nang tagahanga ng Pambansang Bae, ang kanyang sabi, “Bagay na bagay kay Alden ang bagong hairstyle niya. Kung sinuman ang namahala sa look test nila ni Kathryn bago sila umarangkada sa shooting, ang gagaling nila!

“Mas lumutang ang kaguwapuhan niya, mas bumata pa ang itsura niya! Dati kasi, nu’ng pomada na lang ang kulang sa hairstyle niya, e, napaka-mature tingnan ni Alden.

“At magaling siyang umarte, hindi lang siya basta guwapo. panonoorin ko ang movie na ito, teaser pa lang kasi, e, nandu’n na ang kilig!” sumpa pa at pangako ni prop.

Parang lastiko si Kathryn Bernardo. Puwede siyang ipareha kahit kanino. Siyempre’y si Daniel Padilla ang kapareha niya sa harap at likod ng mga camera pero puwede siyang isalang kahit kanino.

May ebidensiya na siya, si Daniel ay magtatangka pa lang, kaya alam na!

Read more...