Buking: Anak ni Bayani dyowa ng utol ni Bea

BAYANI AGBAYANI

IBINUKING ni Bayani Agbayani na boyfriend ngayon ng isa sa mga anak niyang babae ang utol ni Bea Alonzo.

Ayon sa komedyante, hindi lang siya tatay sa apat niyang anak na babae kundi best friend din, “Ako ang ama na kaibigan ng mga anak ko. Ako ang ama na laging nakakaunawa kung ano yung ugali ng mga millennial ngayon.”

Pero sa isang panayam, sinabi ng Kapamilya comedian na hindi siya nakikialam sa lovelife ng mga anak, “Pero naga-guide ako kung paano nila makakamtan ang mga pangarap nila.”

Kuwento pa ni Yani, alam niya na boyfriend ng anak niyang si Thalia ang kapatid ni Bea na si James Carlos. Schoolmates daw ang dalawa sa isang culinary school.

At sa katunayan, nakakalaro na rin ng comedian sa basketball si James bago pa raw nito nakilala at naging dyowa si Thalia, “Nakaka-basketball ko na siya, kami nila Vhong (Navarro) sa Reyes gym.”

“Kaya nu’ng pagdating niya ng bahay namin, sabi niya, ‘ako po yung nakaka-basketball n’yo.’ ‘A ikaw pala.’ Nu’ng bandang huli sinabi niyang liligawan ko po sana si Thalia, aakyat ako ng ligaw. Sabi ko sana sinaktan kita nu’ng dating nagba-basketball tayo,” birong kuwento ni Yani.

Pero aniya, “Bumilib ako sa kanya kasi ang totoong lalaki at magalang na bata, pupunta talaga sa bahay.”

Read more...