ABS-CBN, GMA 7 ‘ceasefire’ muna sa network war para sa pelikula nina Alden at Kathryn

KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS

CEASEFIRE muna sa network war ang ABS-CBN at GMA 7 para sa promotions ng Kathryn Bernardo at Alden Richards movie na “Hello Love Goodbye”.

Ang Star Cinema ng Channel 2 ang producer ng KathDen film na idinirek ni Cathy Garcia Molina at alam naman ng lahat na Kapuso si Alden at Kapamilya naman si Kath.

Kaya naman sanib-puwersa ang dalawang giant network sa unang salvo ng promo ng pelikula.

Sabay na lumabas ang unang teaser ng movie sa kani-kanilang social media platforms.

Take note, hindi ito ang unang beses na may Kapuso artists na nagbida sa movies ng Star Cinema. Unang lumabas si Dingdong Dantes sa pelikulang “One More Try” with Angel Locsin and Angelica Panganiban.

Nasundan pa ito ng isa pa kung saan nakatambal naman niya si Bea Alonzo, ang “She’s The One”. Kinuha rin ng film arm ng ABS-CBN si Jennylyn Mercado para sa “Just The 3 Of Us” with John Lloyd Cruz and now ang Pambansang Bae naman na si Alden.

Abangers na lang tayo kung mapapanood din si Alden sa TV shows ng Channel 2 at kung papayagan din si Kath na umapir sa shows ng Kapuso.

Feeling lang namin, mas malaki ang posibilidad na maging guest si Kathryn sa Eat Bulaga kung saan mainstay ang Pambansang Bae dahil blocktimer naman ang noontime show sa GMA, huh!

Anyway, after the teaser launch na umani ng positibong papuri, magkakaroon din ng official poster launch at playdate reveal ang KathDen film.

Ngayong araw na ito, Linggo, special guest si Alden sa The Boobay And Tekla Show kung saan ang naughty side naman niya ang kanyang ilalabas sa nakakalokang segment na “Filling The Blanks.”

Read more...