Bea sa ‘reunion’ nila ni John Lloyd: Enjoy naman, pero secret muna kung para saan

JOHN LLOYD CRUZ AT BEA ALONZO

“SECRET!” ‘Yan ang sagot ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo tungkol sa napabalitang reunion project nila ni John Lloyd Cruz.

Inamin ni Bea na totoong nag-reunion sila ni Lloydie sa El Nido, Palawan last week pero surprise na lang daw kung bakit sila nagkita roon.

Kumalat kasi sa social media nitong nakaraang araw ang mga litrato nila ng aktor na may kasamang production staff, kabilang na ang ilang cameraman.

“Secret! Pero yes, I saw him in El Nido. Kakabalik ko lang,” sey ni Bea sa panayam ng ABS-CBN.

Pagpapatuloy pa ng Kapamilya leading lady, “I was happy to see him. We had a good time there. We were with friends also. But I can’t disclose what’s it’s for yet. Pero, ano ‘yan, surprise!”

Ayon kay Bea, hindi sila nawalan ng communication ni John Lloyd mula nang mag-indefinite leave ito sa showbiz. “Hindi naman siya nagtago. Nagpahinga lang siya. Matagal kaming hindi nagkita pero we never lost contact,” pahayag ng aktres.

Nami-miss na ba niyang makatrabaho si Lloydie? “Definitely. Nami-miss ko siyang makatrabaho. I’m sure maraming nakaka-miss din sa kanya.”

Nagulat naman ang girlfriend ni Gerald Anderson nang malamang mabilis na kumalat sa social media ang mga litrato nila ni Lloydie sa Palawan, “Kasi di ko alam na may mga lumabas na rin sa social media. Pero natutuwa ako na malaman na maganda ‘yung reaction ng mga tao.

“It makes me feel happy kasi ang tagal na rin namin nagkatrabaho. And overwhelming ‘yung reaction ng mga tao, ng mga netizens. So thank you sa lahat ng nagbigay ng good comments,” aniya pa.

Read more...