Mike Enriquez 3 beses dina-dialysis kada linggo: Pero ok na ok ako…


TATLONG beses sa isang linggo sumasailalim sa dialysis ang Kapuso TV host-news anchor na si Mike Enriquez.
Pero hindi ito nagiging hadlang sa kanyang trabaho sa GMA News & Public Affairs. Tuloy pa rin ang kanyang pagre-report sa work, lalo na sa Dobol B sa News TV.

Sa nakaraang presscon ng Dobol B sa News TV para sa bagong line up ng kanilang mga programa, nagbigay ng update si Mike about his health condition at sa mga ginagawa niya sa News department ng GMA.

Sa tanong kung kaya pa ba ng katawan niya ang araw-araw na trabaho bilang broadcast journalist, “Oo naman, kayang-kaya pa. Pero lahat ng ginagawa ko, aprubado ng doktor, may consent nila at sinusunod ko naman ang mga advice nila.

“Wala akong ginagawa na walang clearance ng doktor. Hindi ako gagawa ng hindi alam ng doktor at walang pahintulot ng doktor,” pahayag pa ni Mike.

Noong nawala si Mike nang ilang buwan sa GMA, dumaan siya sa quadruple bypass at every week nga ay tatlong beses siyang dina-dialysis.

Inamin ng Kapuso news anchor na mahirap kapag dina-dialysis dahil parang binugbog at parang lutang na lutang siya pagkatapos.

Kaya naman, pinag-aaralan ng mga doktor kung kailangan na niyang sumailalim sa kidney transplant para hindi na siya kailangang i-dialysis pa linggu-linggo.

“Ngayon, kung tatanungin ninyo kung ano ang pakiramdam ng katawan ko? Minsan kasi, iba ang sinasabi ng doktor, iba rin ang sinasabi ng katawan mo. May kasabihan sa English, ‘listen to your body.’ I will do that, I am extremely well,” paniniguro pa ng broadcast journalist.

q q q

Samantala, in-announce rin ni Mike Enriquez sa nasabing mediacon kasama ang mga Kapuso radio broadcasters na mula 6 a.m. hanggang 12 noon, Lunes hanggang Linggo, na mapapakinggan sa DZBB 594 at mapapanood sa GMA News TV ang kanilang pina-level up at mga bagong programa.

Patuloy na tutukan ang mas bonggang Dobol B sa News TV araw-araw mula 6 a.m. to 12 noon. Sisimulan ng veteran anchorman Melo del Prado ang umaga with the freshest news of the day sa “Melo Del Prado sa Super Radyo” (6 a.m.).

Sina Mike at Joel Reyes Zobel naman ang makakasama n’yo sa “Super Balita sa Umaga Nationwide” tuwing 7 a.m.. Magpapatuloy naman si Mike sa “Saksi sa Dobol B” at 8 a.m. na susundan uli ni Joel sa “Anong Say N’yo” mula alas-9 hanggang 9:30 a.m..

Tuloy pa rin ang masayang tambalan nina Arnold Clavio at Ali Sotto sa pinag-uusapang “Sino?” at “Dobol A Sa Dobol B.” For the final slot naman tuwing 11 a.m., nandiyan ang “Kay Susan Tayo! Sa Radyo” ni Susan Enriquez.

Pagsapit ng Sabado, magbabalik si Melo del Prado sa “Super Radyo Nationwide”, 6 a.m. at susundan ng “Super Balita sa Umaga” with Sam Nielsen and Rowena Salvacion at 7 a.m. Magbabalik din si Rowena para sa “Isyu Atbp.” tuwing 8 a.m. habang ang “I M Ready sa Dobol B” ni Kapuso resident meteorologist Nathaniel Cruz naman ang mapapanood twing 9 a.m..

Samantala, isa sa mga bagong aabangan sa DZBB every Saturday ay ang well-loved health program hosted by Connie Sison, ang “Pinoy M.D. sa Dobol B” (10 a.m.) na susundan ng “Super Serbisyo: Buhay, Trabaho at Negosyo” (11 a.m.) with Norilyn Temblor, Tootie at Lala Roque.

Tuwing Sundays naman, mapapanood si Orly Trinidad sa “Buena Manong Balita” at 6 a.m., followed by “Super Balita sa Umaga”, hosted by Sam Nielsen and Nimfa Ravelo, at 7 a.m. Nimfa also hosts “Dobol B: Bantay Balita (Bantay sa Senado)” tuwing 8 a.m..

Pagsapit naman ng 9 a.m., makakasama n’yo si Benjie Liwanag sa “Liwanag sa Balita” followed by Divine Reyes’ “Dobol B: Bantay Balita (Bantay sa Kamara).” From 11 a.m. until 12 noon, Orly Trinidad returns with “MMDA sa GMA” sa tulong ng mga opisyal ng MMDA.

Ang GMA News TV ay napapanood na sa free TV via Channel 27 habang ang Dobol B Sa News TV ay maaari nang mapanood sa GMA News TV International.

Read more...