NBA finals talbog sa pa-hashtag ng pelikula nina Alden at Kathryn; Kathden fans umariba

 

KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS

LUMABAN sa top trending hashtags kahapon sa Twitter ang pa-hashtag para sa movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na #HelloLoveGoodbyeTeaser.

Take note, ang kalaban nitong hashtags ay #NBAFinals, #WeAreTheNorth at #nbaonabscbn pero hindi nga nagpakabog ang fans ni Kathryn at ng Pambansang Bae.
As of this writing, meron ng 30K plus tweets ang hashtag para sa KathDen movie. Siyempre, talagang kapit-bisig ang fans nina Kath at Alden para bumandera sa buong mundo ang tungkol sa kanilang project.

Sa totoo lang, nang
inilabas ang teaser sa horror movie ni Jodi Sta. Maria sa mga sinehan ay iisa ang komento ng mga nakapanood – napakalakas ng chemistry nina Kath at Alden!

q q q

Read more...